Home NATIONWIDE Wala pang isyu sa parallel count sa 2025 polls – PPCRV

Wala pang isyu sa parallel count sa 2025 polls – PPCRV

MANILA, Philippines – Sinabi ng Parish Pastoral Council for Responsile Voting (PPCRV) na wala pa itong napuna na anumang isyu sa ngayon habang isinasagawa ang unofficial parallel count para sa 2025 midterm elections.

Sinabi ni PPCRV spokesperson Ana Singson na ang grupo ay nagsasagawa ng unofficial parallel count sa loob ng tatlong araw.

“Right now, you’re seeing two verification sets because there are always two groups doing the verification: Set A and Set B. One election return (ER) is verified twice, because if only one person checks it, they might be tired or make a mistake—but if two people check, it’s more reliable,” paliwanag ni Singson.

Dagdag pa ni Singson na kung hindi mag-tally ang verification set A at B, mapupunta ito sa ikatlong verification.

Ang mga senior verifier at ang mga trustee ng PPCRV lamang ang nagbe-verify kung may pagkakaiba sa pagitan ng set A at B.

Sinabi ni Singson na ang kabuuang bilang ng mga ER na kanilang natanggap sa ngayon ay 21,060, katumbas ng 22.58 porsiyento ng 93,287 presinto sa buong bansa.

Nasa ibaba ang breakdown ng mga ER sa ngayon na natanggap ng PPCRV:

South / North Luzon – 11,666

Metro Manila — 8,002

Visayas – 1,392

Mindanao – no data yet

Overseas – 0

Jocelyn Tabangcura-Domenden