Home NATIONWIDE PPA nanawagan, mga mabibigat na sasakyan mag-RoRo muna mula Samar-Leyte

PPA nanawagan, mga mabibigat na sasakyan mag-RoRo muna mula Samar-Leyte

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Philippine Ports Authority (PPA) sa mga trucker at iba pang motorista na may mga sasakyang tumitimbang ng mahigit tatlong tonelada na gumamit ng Roll-on/ Roll-off (RoRo) vessels bilang alternatibo sa San Juanico Bridge dahil sa pagbabago sa weight limit nito kamakailan.

Sinabi ng PPA sa isang abiso na ang malalaking truck, bus, at delivery vehicle ay maaaring gumamit ng RoRo vessels mula Samar hanggang Leyte at vice versa.

Kasunod ito ng anunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office VIII na tatlong toneladang maximum gross vehicle weigh limit sa tulay ng San Juanico dahil sa problema sa istruktura nitong Huwebes.

Ang mga RoRo-capable port na ito ay ang Tacloban Port, Calbayog Port, Catbalogan Port, Biliran Port, Ormoc Port, Manguinoo Port sa Calbayog, Hilongos Port, Maasin Port, Naval Port, Palompon Port, Calubian Port, at Villaba Port.

Umaasa naman ang PPA sa kooperasyon at pang-unawa ng mga dumadaan bilang pakikiisa sa maintenance ng nasabing tulay. Jocelyn Tabangcura-Domenden