MANILA, Philippines- Lumabas sa 2025 Climate Risk Index report (CRI) ng Germanwatch, inilathala nitong Miyerkules, na ika-10 ang Pilipinas sa mga bansang pinakaapektado ng extreme weather events sa nakalipas na 30 taon.
Binigyang-diin sa ulat kung paanong ang Pilipinas ay “hit by multiple tropical cyclones in every year between 1993-2022,” na nakaranas ng kabuuang 372 extreme weather events na nagdulot ng $34B losses sa 30-year period.
Tinukoy ng CRI 2025 ang Haiyan noong 2013 na most destructive typhoon na nagdulot ng kabuuang $13B pinsala at 7,000 nasawi.
Nanguna sa listahan ang Dominica, China at Honduras, habang ika-apat ang Myanmar at ika-lima ang Italy.
Kumumpleto sa top 10 ang India, Greece, Spain at Vanuatu para sa 30-year period sa pagitan ng 1993 at 2022.
Ayon sa CRI 2025, lahat ng bansa sa mundo ay apektado ng extreme weather events sa baha, bagyo, heat waves, at tagtuyot.
“Floods were responsible for half of the people affected, why storms caused, by far, the most significant economic losses (56% or $2.33T),” ayon sa ulat.
Nasa 800,000 indibidwal ang nasawi sa buong mundo sa nakalipas na 30 taon dahil sa mahigit 9,400 extreme weather events. Pumalo naman ang economic damages mula sa mga ito sa $4.2T.
“Over the long term, the ranking shows that extreme weather events’ impacts particularly affect Global South countries. With five countries, the lower middle-income group is the largest country group among the 1- most affected countries, including three Small Island Developing States/Least Developed Countries, where coping capacities are significantly lower,” saad sa ulat.
Ang CRI 2025 ang pinakabago mula sa Germanwatch, isang independent development, environmental, at human rights NGO at think tank na nagsusulong ng sustainable global development base sa social equity, respect for nature, at economic justice mula 1991.
Base sa CRI ranking sa best publicly available historical data set sa epekto ng extreme weather events kabilang ang International Disaster Database (Em-dat) at socio-economic data mula sa International Monetary Fund (IMF).
“This year’s Climate Risk Index clearly shows how all countries must improve their climate risk management to be better prepared for extreme weather events and minimize harm to people and economic damages,” pahayag ni Vera Künzel, co-author ng Climate Risk Index and Senior Advisor on Climate Change Adaptation and Human Rights sa Germanwatch.
“The most vulnerable countries urgently need increased financial support from the international community to avert the severe consequences of climate impacts. In times of geopolitical turmoil and waning commitments, wealthier countries must step up, live up to their responsibilities, and provide the necessary support to ensure a more resilient and sustainable future,” dagdag niya. RNT/SA