Home NATIONWIDE Pinas may 132 bagong COVID-19 cases

Pinas may 132 bagong COVID-19 cases

MANILA, Philippines- May kabuuang 132 bagong coronavirus infections ang naitala nitong Miyerkules na nagdala sa nationwide caseload sa 4,147,101, ayon sa Department of Health (DOH).

Mas mataas ang pinakabagong daily tally kumpara sa 95 kaso noong Martes.

Makikita rin sa datos mula sa DOH bulletin ang bahagyang pagbaba ng aktibong kaso sa 3,399 at recovery tally sa 4,077,059.

Nakapagtala naman ng tatlong bagong nasawi dahilan para umakyat ang death toll sa 66,643.

Ang mga rehiyon na may pinakamaraming bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region sa 435, Calabarzon sa 282, Central Luzon sa 221, Davao Region sa 178, at Western Visayas sa 141.

Hanggang nitong August 8, 4,077 indbidwal ang nagpositibo sa COVID-19, habang 306 testing labs ang nagsumite ng datos.

Ang COVID-19 bed occupancy ay 14.1%, kung saan 3,346 ang okupado habang 20,302 ang bakante. RNT/SA