MANILA, Philippines – NAKATAKDANG bumiyahe sa susunod na linggo sina Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ma. Cristina Roque at Special Assistant to the President for Investments and Economic Affairs (SAPIEA) Secretary Frederick Go patungong Estados Unidos para i-negotaite ang tariff rate sa ilalim ng executive order ni US President Donald Trump.
Makakapulong ng mga opisyal ng Pilipinas ang US Trade Representative (USTR) at ang Kalihim ng Commerce in Washington, D.C.
“Our goal in the meeting is to bring down [the tariff rate], and of course, to get what’s best for our country,”ang sinabi ni Roque sa sidelines ng international Franchise Expo 2025 sa SMX Convention Center sa Pasay City, sabay sabing ang kanilang official trip sa Estados Unidos ay mula April 29 hanggang May 2.
Winika ni Roque na maaaring ialok ng Pilipinas ang pagtaas ng dami ng imports mula sa Estados Unidos gaya ng soybeans at iba pang agricultural products, habang binabalanse ang local agriculture sector.
Matatandaang, araw ng Martes, nakipagpulong sina Roque at Go sa iba’t ibang industriya para sa konsultasyon ng mga stakeholder bilang paghahanda para sa napipintong pakikipagpulong sa mga opisyal ng Estados Unidos.
Ani Go, kumpiyansa ang dalawang bansa na makabubuo ng “mutually advantageous” tariff arrangements. Kris Jose