MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkasawi ng isang overseas Filipino worker na matagal ng nawawala matapos tumama sa Myanmar ang magnitude-7.7 earthquake noong March 28.
Sa isang Viber message, kinumpirma ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega na positibong kinilala, Martes ng gabi, Abril 8 ang labi ni Francis Aragon.
Sa kabilang dako, sinabi ni Foreign Affairs Department (DFA) na ipinabatid na sa pamilya ng nasawing Pilipino ang sitwasyon.
“The Department of Foreign Affairs regrets to inform the nation that the remains of one of the four missing Filipinos in Mandalay, Myanmar have been positively identified,” ang sinabi ng departamento.
“Out of respect for the privacy (of the family) in this time of grief, we are withholding further information on the matter,” dagdag nito.
Tinuran pa ng DFA na kanilang ipagpapatuloy “to work and hope for the best for the remaining three Filipinos still unaccounted for as a result of the powerful earthquake which hit Myanmar last 28th of March.”
Nauna rito, inanunsyo ni Alvin Aragon, kapatid ng nawawalang OFW, sa kanyang Facebook na natagpuan na ang katawan ng kanyang kapatid.
“Ipinapaalam po [namin] na nakita na po [‘yung’ kapatid namin at masakit man sa amin [tanggapin na kasama na siya] ni Lord [ngayon],” ang mababasa sa Facebook post ni Alvin Aragon.S
Samantala, sa ulat, si Francis ay kabilang sa apat na OFWs na nawawala matapos na gumuho ang kanilang condominium building dahil sa malakas na paglindol sa Myanmar.
Si Francis, 38, ay nagtatrabaho bilang isang Physical Education teacher sa Myanmar. Kris Jose