Pitong manlalaro at miyembro ng coaching staff ang na-eject matapos sumiklab ang bakbakan sa sagupaan ng Minnesota Timberwolves sa Detroit Pistons sa NBA kahapon.
Isang mainit na laban sa pagitan ng magkabilang panig sa Target Center sa Minneapolis ang nagdulot ng kaguluhan sa unang bahagi ng ikalawang quarter nang si Naz Reid ng Minnesota ay nabangga ni Ron Holland ng Detroit habang siya ay nagmamaneho patungo sa basket.
Galit na nagpakita ng middle finger si Reid at itinuon ito kay Holland at dito nagsimula ang gulo. Mabilis lumala ang gulo kasama ang mga manlalaro mula sa magkabilang panig na umabotsa suntukan at batuhan ng mga upuan mula sa manonood sa courtside.
Si Donte DiVincenzo ng Wolves ay nasa gitna ng kaguluhan at napabalikwas sa upuan habang ang grupo ng mga manlalaro at mga opisyal ng koponan ay nakikipagbuno sa paligid niya.
Tumagal ang kaguluhan ng humigit-kumulang isang minuto bago lumamig ang init ng ulo at nagsimulang matukoy ng officiating crew kung sino ang may kasalanan.
Nang matapos ito, sina Reid at DiVincenzo ng Timberwolves — na makikitang may tila malalaking gasgas malapit sa kanyang leeg — ay pinatalsik sa laro kasama sina Marcus Sasser, Isaiah Stewart at Holland ng Pistons.
Na-eject din ang head coach ng Detroit Pistons na si J.B. Bickerstaff habang itinapon din ang assistant coach ng Minnesota na si Pablo Prigioni.
Samantala, iniulat ng US media na ang isang batang fan na nakaupo sa courtside na naipit sa magulong bakbakan ay binigyan ng Minnesota team jersey ni Alex Rodriguez, ang dating Major League Baseball star na ngayon ay bahagi ng may-ari ng Timberwolves.JC