Home METRO Plebisito sa Naga City, isasabay sa BSKE sa Nobyembre – Comelec

Plebisito sa Naga City, isasabay sa BSKE sa Nobyembre – Comelec

1
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang kahilingan ni Naga City Mayor Leni Robredo na isabay sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2, 2026 ang plebisito para sa pagiging highly urbanized city (HUC) ng Naga City.

Ayon sa Comelec, tanging ang mga rehistradong botante ng Naga City ang maaaring bumoto sa plebisito dahil isa itong independent component city.

Sinabi ni Robredo na makakatipid ang lungsod kung isasabay ang plebisito sa BSKE. Aniya, kung hiwalay itong isasagawa, aabot sa humigit-kumulang ₱50 milyon ang magagastos.

Batay sa tala ng Comelec, may 119,259 rehistradong botante sa Naga City na maaaring lumahok sa plebisito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here