Home TOP STORIES Higit 100 bahay sa Norway natupok ng sunogTOP STORIESWORLD Higit 100 bahay sa Norway natupok ng sunogJuly 18, 2026 11:2030 FacebookTwitterPinterestWhatsApp OSLO, Norway – Mahigit 100 bahay ang nawasak sa isang malaking sunog noong Biyernes malapit sa lungsod ng Drammen sa timog Norway.Ayon sa mga awtoridad, mahigit 60 bumbero at ilang helicopter ang rumesponde upang mapigilan ang pagkalat ng apoy, na pinalala ng malalakas na hangin.Binalot ng makapal na itim na usok ang lugar, habang inilikas ng pulisya ang daan-daang residente. Kumalat din ang apoy sa kalapit na kagubatan.Sa kabila ng malaking pinsala, wala namang naiulat na nasawi o nawawala sa insidente.Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. RNT/MDS