Home METRO Mga Barangay officials sa Maynila, binalaan sa pagbibigay ng certification sa mga...

Mga Barangay officials sa Maynila, binalaan sa pagbibigay ng certification sa mga Badjao

1
0

MANILA, Philippines – Mahigpit na pinayuhan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) ang mga Punong Barangay na huwag mag-isyu ng barangay certification sa mga Badjao na inaasahang dadagsa sa Metro Manila pagsapit ng “Ber” months.

Ayon kay MDSW Director Jay Dela Fuente, direktiba ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na paigtingin ang pagbabantay sa mga pangunahing lansangan upang mapigilan ang pagdami ng mga namamalimos at naninirahan sa kalsada, na umano’y posibleng ginagamit ng mga sindikato.

Sa panayam ng Manila City Hall Press Club (MCHPC), sinabi ni Dela Fuente na nahihirapan ang kanilang tanggapan na tuluyang mailayo sa lansangan ang mga narescue nilang Badjao at iba pang street dwellers dahil nakababalik ang mga ito kapag may naipapakitang barangay certification na nagsasabing residente na sila ng lugar.

Dahil dito, nagbabala ang MDSW sa ilang opisyal ng barangay na huwag abusuhin ang pag-iisyu ng naturang dokumento.

“Ilang barangay chairman na ang natukoy namin. Sinabihan ko na sila na huwag nang magbigay ng certification kung ayaw nilang masampahan ng kaso,” ani Dela Fuente.

Aminado rin ang opisyal na may ilang barangay umano ang nagbibigay ng certification sa mga Badjao at iba pang pamilyang nasa lansangan dahil sa iba’t ibang dahilan, kabilang na ang alegasyong pagdaragdag ng bilang ng mga botante.

Kasabay nito, tiniyak ng MDSW na paiigtingin pa ang rescue operations at monitoring sa mga pangunahing lansangan sa Maynila habang papalapit ang “Ber” months upang maprotektahan ang kapakanan ng mga nasa lansangan at mapanatili ang kaayusan sa lungsod. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here