Home NATIONWIDE PLM, West Visayas State grads nanguna sa Nov. 2023 nursing board exams

PLM, West Visayas State grads nanguna sa Nov. 2023 nursing board exams

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Sabado, Disyembre 2, na 25,761 sa 32,203 na nagsulit ang nakapasa sa
Nursing Licensure Examination noong Nobyembre.

Nanguna rito sina Aristotle Calayan Castronuevo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Cris Vinz Corpus Tomboc ng West Visayas State University-La Paz na nakakuha ng 91%.

Pumangalawa sa listahan sina Carl Justine Talavera Pantig ng University of the Assumption sa 90.80% at Aleck Hans Ison ng University of Sto. Tomas at Dusty Tanghin Kawi ng Benguet State University-La Trinidad sa ikatlong pwesto sa 90.60%.

Aabot naman sa 17 medical schools ang itinanghal na top performing colleges sa pinakahuling NLE sa passing percentage na 100%.

Nanguna sa listahan ng top performing colleges sa 300 successful examinees ang UST, sinundan ng Velez College sa 234 nakapasa, at Cebu Doctors University sa 209 nakapasa. RNT/JGC

Previous articleNoKor nagbanta sa US, pakikialam sa space assets ituturing na ‘declaration of war’
Next articleObrero isinelda sa panghoholdap, pananaksak sa tindera sa Valenzuela