Home HOME BANNER STORY “Plot” para pigilan si Bato sa Senate session, posible – Cayetano

“Plot” para pigilan si Bato sa Senate session, posible – Cayetano

66
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate President Alan Peter Cayetano na posibleng may ilang senador na nagplano umano para pigilan si Sen. Ronald dela Rosa na makadalo sa plenary session noong Lunes, batay sa paunang imbestigasyon.

Ayon kay Cayetano, kung mapapatunayang may ganitong “plot,” maaaring ilipat ang imbestigasyon mula sa committee on rules and public order patungo sa committee on ethics.

“Maybe it will be transferred… because so far it appears that it was really a plot to stop him from coming here,” ani Cayetano.

Dagdag pa niya, posibleng may criminal aspect kung mapapatunayan na may sabwatan para pigilan ang isang senador na makadalo sa session.

Ang imbestigasyon ay kaugnay ng insidente noong Lunes kung saan tinangkang isilbi ng National Bureau of Investigation ang arrest warrant mula sa International Criminal Court laban kay dela Rosa.

Ayon pa kay Cayetano, batay sa testimonya ng dating sergeant-at-arms at NBI director, may koordinasyon umano sa pag-alam ng warrant at sa mga sumunod na pangyayari.

Si Dela Rosa ay kasalukuyang nasa ilalim ng Senate protective custody habang nagpapatuloy ang mga pagdinig kaugnay ng insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here