Home METRO 3-day relief ops sa mga apektado ng Mayon, inilunsad ng OVP

3-day relief ops sa mga apektado ng Mayon, inilunsad ng OVP

74
0

ALBAY, Philippines – Inilunsad ng Office of the Vice President noong Miyerkules, Mayo 13, ang tatlong araw na relief operation para sa mga pamilyang apektado ng patuloy na pag-aalburoto ng Mayon Volcano.

Ayon sa OVP, ang kanilang Disaster Operations Center ay namamahagi ng tulong sa mga evacuee sa mga evacuation center sa mga apektadong lugar sa Albay at iba pang bahagi ng Bicol Region.

Nakikipag-ugnayan din ang OVP sa mga lokal na pamahalaan at ahensya upang matugunan ang agarang pangangailangan ng mga apektadong residente.

Batay sa ulat, nasa 70,150 pamilya o humigit-kumulang 286,939 indibidwal mula sa 160 barangay ang apektado ng patuloy na volcanic activity ng Mayon.

Kasama sa ipinapamahaging tulong ang food packs, hygiene kits, kumot, banig, kulambo, tsinelas, at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga evacuee.

Ayon sa OVP, layunin ng kanilang Disaster Operations Center na mapabilis ang paghahatid ng ayuda sa pakikipagtulungan sa mga lokal na DRRMCs.

Patuloy na mino-monitor ang sitwasyon ng Mayon Volcano habang nagpapatuloy ang mga paglikas at relief operations sa mga apektadong komunidad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here