Home NATIONWIDE PNP nakapagtala ng 7 suspected election-related violence mula Enero 12

PNP nakapagtala ng 7 suspected election-related violence mula Enero 12

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng pitong
hinihinalang election-related incidents (ERIs) sa buong bansa sa pagsisimula ng election period noong Enero 12, ayon kay spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo.

Sa press briefing nitong Lunes, Enero 27, sinabi ni Fajardo na dalawa sa pitong suspected ERIs ay nagresulta sa pagkasawi ng isang tagasuporta ng municipal councilor sa Soccsksargen at isang konsehal sa Ilocos Sur.

“As of today, we monitored suspected election-related incidents. Of the seven, one incident occurred in Region 1 (Ilocos), one in Region 3 (Central Luzon), one in Region 12 (Soccsksargen), and four in Region 6 (Western Visayas,” ayon sa PNP.

Iba pa sa mga kasong sangkot ay malicious mischief, vehicular accidents, at defamation.

Sa kabila nito, sinabi ni Fajardo na for validation pa ang naturang mga kaso.

Ipinaliwanag niya na ang validation ay isinasagawa ng regional headquarters at tumatagal nang hanggang 10 araw.

Ikinokonsiderang ERI ang isang kaso kung nangyari ito sa panahon ng election period, o mula noong Enero 12 at kung ang suspek o biktima ay isang kandidato, malapit na kaanak ng kandidato, tagasuporta o opisyal ng Commission on Elections. RNT/JGC