MANILA, Philippines – Pinalakas ng Philippine National Police (PNP) ang paghahanap kay Cassandra Li Ong at iba pa niyang kasabwat sa kaso ng qualified human trafficking.
Ayon kay PNP acting chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., layunin nilang mahanap ang lahat ng akusado, nasa Pilipinas man o sa ibang bansa, upang harapin ang korte.
Kinumpirma ng Palace Press Officer Claire Castro na nasa Pilipinas pa si Ong, at nag-alok ang Department of Justice ng P1-milyong reward para sa impormasyon tungkol sa kanyang kinaroroonan.
Mahigit 50 katao ang kinasuhan kaugnay ng umano’y Lucky South 99 scam hub, kabilang si Ong at dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque.
Naglabas ng warrant of arrest ang Angeles, Pampanga RTC Branch 118, at kamakailan ay tinanggihan ng Court of Appeals ang petisyon ni Ong laban sa kaniyang indictment. Santi Celario