MANILA, Philippines – Naghahanda ang Commission on Elections (Comelec) na magpadala ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) bilang backup electoral board memebers para sa 2025 elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Garcia, hihiram sila ng PNP personnel mula sa Sulu, na hindi na bahagi ng rehiyon sa BARMM.
Idinagdag pa ni Garcia na kanilang sasanayin ang mga personnel na ito sa darating na linggo na maglilingkod bilang electoral board memebers sa Bangsamoro kung kakailanganin.
Ayon pa kay Garcia, sasanayin din ang mga personnel ng kasundaluhan mula sa Sulu para sa ibang lugar.
“Maaring kasama ang Basilan at ibang probinsya ng Bangsamoro,more particularly ang Maguindanao”, saad ni Garcia.
Binanggit ni Garcia ang isang pagkakataon mula sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections noong 2003 nang ang mga gurong nagsisilbing electoral board memebers ay umatras sa kanilang tungkulin sa Cotabato City. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)