INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na pinaghihinalaang hacker at “big boss” ng isang kilalang operator ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Pampanga, sa isinagawang operasyon sa isang resort sa La Union.
Ayon sa BI, ang naturang dayuhan ay isa umanong expert na hacker at kilala umanong big boss ng Lucky South 99 na siyang operator ng ni-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga.
Ayon kay Bureau of Immigration Fugitive Search Unit (BI-FSU) chief Rendel Sy, ang grupo umano ng mga hacker na connected sa POGO sa Porac ay hina-hack ang mga bank accounts ng kanilang mga kliyente sa US, UK at sa Middle East.
Aniya, parte umano ng kanilang operasyon ang scam na POGO kaya’t kailangan na nandoon ang kanilang mga hacker dahil hindi umano sila makakapag-operate o pila yang kanilang operasyon kung wala itong mga hacker.
Ayon sa BI, dahil ang mga POGO sa Pampanga ay nasa ilalim ng pagbabantay ng mga awtoridad, maaaring nagsimula na silang ilipat ang kanilang mga operasyon sa ibang mga lugar sa hilaga.
Nabatid na wala papng pahayag mula sa naarestong suspek na kasalukuyang nakakulong sa detention facility ng BI sa Taguig City.
Iniimbestigahan na din ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang umano’y hacker para makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa iba pang mga boss ng Lucky South 99.
Napag-alaman naman sa Chinese police na nahaharap sa kasong fraud ang suspek sa China. Jay Reyes