MANILA, Philippines- Nagpalabas ang Davao Regional Trial Court (RTC) Branch 15 ng temporary protection order (TPO) pabor sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC), na inaatasan ang Philippine National Police (PNP) na tigilan ang aksyong nagbabanta sa kaligtasan at seguridad ng KOJC members.
Binigyang-diin ng korte ang “urgency” ng sitwasyon at inatasan ang PNP na baklasin lahat ng barikada na humaharang sa KOJC compound.
“Hence, this court under the current situation, sees the urgency to direct the PNP XI to immediately cease and desist from any act or omission that threatens the life, liberty, or security as well as the properties of the petitioners,” saad sa kautusan ng korte.
“The PNP XI is hereby ordered to remove all forms of barricades, barriers or blockades that bar the access to and from the subject compound and hinder,” dagdag nito.
Base sa RTC, ang mga restriksyon ng PNP “noticeably trampled the property rights” ng KOJC members maging kanilang religious freedom at academic rights, na ginagarantiya ng Konstitusyon.
Inaatasan din ang PNP na tiyaking ang KOJC members ay mayroong “unrestricted access” sa kanilang compound.
Kasunod ang kautusan ng umiiral na tensyon sa pagitan ng KOJC at ng PNP sa pagtatangka ng huli na silbihan ng arrest warrants si Pastor Apollo Quiboloy.
“Tuloy-tuloy pa rin ang aming pag-ano dyan, gagawin namin ‘yun, hahanapin talaga ‘yan. Hindi kami aalis diyan,” pahayag ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos.
“But for the meantime, siguro ika-clarify namin itong ginawa ng korteng ito tungkol dito sa pag-remove ng barikada dahil sinasabi niya ‘that threatens the life, liberty etcetera’,” ayon pa sa kalihim.
“Kasi in the first place ‘yung tinatawag nating warrant of arrest is also a court order,” dagdag niya. Teresa Tavares