Home NATIONWIDE Police visibility, pinalakas ng MPD matapos ng Tacloban school shooting

Police visibility, pinalakas ng MPD matapos ng Tacloban school shooting

1
0

MANILA, Philippines – Pinalakas ng Manila Police District (MPD) ang police visibility sa Maynila kasunod ng madugong pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City na ikinamatay ng tatlong estudyante at ikinasugat ng ilan pa.

Personal na pinangunahan ni MPD Director Brig. Gen. Arnold Casingal Santiago ang inspeksyon at pagpapatrolya sa Capulong Street upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko, lalo na sa matataong lugar.

Nauna nang iniutos ni PNP Chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang masusing imbestigasyon sa insidente at ang pakikipag-ugnayan ng mga pulis sa Department of Education, mga lokal na pamahalaan, at mga paaralan upang palakasin ang seguridad sa mga campus.

Ayon kay Santiago, paiigtingin ang police visibility at pakikipagtulungan sa mga komunidad upang mapigilan ang krimen at mapabilis ang pagtugon sa anumang insidente.

“The goal is to ensure the safety of residents, motorists, and pedestrians through sustained patrol, monitoring, and active community engagement,” aniya.

Naging sentro rin ng usapin ang insidente matapos lumabas na isa sa mga ginamit na baril ay nakarehistro sa isang pulis. Tiniyak ni Nartatez na pananagutin ang sinumang mapapatunayang responsable, anuman ang kanilang ranggo.

Patuloy namang paiigtingin ng PNP ang seguridad sa mga paaralan habang nagbabalik ang mga estudyante sa klase, kasabay ng kampanyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here