MANILA, Philippines – Magkakabisa sa Hulyo 1, 2026 ang ikalawang bahagi ng taas-singil sa toll ng South Luzon Expressway (SLEX) at STAR Tollway, ayon sa Toll Regulatory Board (TRB).
Ang dagdag-singil ay bahagi ng naaprubahang toll adjustment para sa mga taong 2018, 2020, 2022, at 2024. Naipatupad ang unang bahagi ng taas-singil noong Enero.
Bagong toll sa SLEX:
-Alabang–Calamba: Class 1 – ₱137, Class 2 – ₱274, Class 3 – ₱411 (dagdag na ₱11, ₱21, at ₱32)
-Calamba–Sto. Tomas: Class 1 – ₱37, Class 2 – ₱74, Class 3 – ₱111 (dagdag na ₱3, ₱6, at ₱9)
Bagong toll sa STAR Tollway:
-Sto. Tomas–Lipa: Class 1 – ₱64, Class 2 – ₱128, Class 3 – ₱192
-Lipa–Batangas City: Class 1 – ₱57, Class 2 – ₱114, Class 3 – ₱171
-Sto. Tomas–Batangas City (end-to-end): Class 1 – ₱121, Class 2 – ₱242, Class 3 – ₱363
Para sa end-to-end na biyahe sa STAR, madadagdagan ng ₱8 ang Class 1, ₱17 ang Class 2, at ₱26 ang Class 3.
Ayon sa TRB, gagamitin ang dagdag na kita para sa patuloy na operasyon at maintenance ng SLEX at STAR upang masiguro ang mas ligtas, mas mabilis, at mas maayos na biyahe ng mga motorista. RNT/MDS