Home NATIONWIDE Kampo ni Duterte, tutol sa hiling ng ICC prosecution

Kampo ni Duterte, tutol sa hiling ng ICC prosecution

1
0

THE HAGUE, Netherlands – Nagpahayag ng pag-aalala ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa hiling ng International Criminal Court (ICC) prosecution na mabigyan ng access sa kanyang mga personal na gamit at ma-freeze ang anumang perang nasamsam matapos siyang arestuhin at isuko sa ICC noong nakaraang taon.

Ayon sa depensa, hindi na kailangan ang pag-freeze ng pera dahil nasa kustodiya na ito ng ICC Registry. Kung papayagan man ito ng korte, hiniling nilang tiyaking hindi mababawasan ang halaga ng perang nakumpiska.

Tutol din ang kampo ni Duterte sa hiling na masuri ang lahat ng susi na nakuha sa kanya.

“It is unclear to what the keys relate, or indeed whether they belong to Mr Duterte at all, having been seized while he was traveling with members of his family. It is entirely possible that the keys provide access to material belonging to, or concerning, his relatives, such that their examination would intrude upon the privacy rights of third parties,” saad ng abogado ni Duterte.

Ayon pa sa depensa, walang malinaw na lehitimong dahilan ang prosecution upang suriin ang mga gamit ni Duterte, at maaari itong lumabag sa kanyang privacy at sa karapatan ng kanyang pamilya.

Si Duterte ay inaresto sa Maynila noong Marso 2025 at dinala sa The Hague, Netherlands upang harapin ang kasong crimes against humanity kaugnay ng kanyang war on drugs. Nakatakdang magsimula ang kanyang paglilitis sa Nobyembre 30, kung saan kinakailangan ang kanyang personal na pagdalo. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here