Home HOME BANNER STORY US nagsagawa ng airstrike, matapos ng pag-atake ng Iran sa cargo ship...

US nagsagawa ng airstrike, matapos ng pag-atake ng Iran sa cargo ship sa Strait of Hormuz

3
0

WASHINGTON, USA – Nagsagawa ang United States ng airstrike laban sa mga imbakan ng missile, drone, at coastal radar ng Iran matapos nitong akusahan ang Tehran ng pag-atake sa isang cargo ship, na umano’y paglabag sa umiiral na tigil-putukan.

Ayon sa US Central Command, ang operasyon ay tugon sa “unwarranted aggression against commercial shipping by Iranian forces” at “a powerful response to yesterday’s attack on a commercial ship that was transiting the Strait of Hormuz.”

Kinumpirma naman ng Iranian state television na may narinig na pagsabog sa Taherouyeh pier sa Sirik, at sinabi ng isang military source na dulot ito ng tumamang projectile.

“Obviously, this is a foolish violation of our ceasefire agreement,” ani US President Donald Trump.

Sa kabila ng tensyon, nagpapatuloy ang negosasyon ng US at Iran upang makahanap ng pangmatagalang kasunduan. Samantala, bumaba ang presyo ng langis dahil sa pag-asang magpapatuloy ang pagdaan ng mga barko sa Strait of Hormuz.

Sa hiwalay na usapin, nilagdaan ng US, Israel, at Lebanon ang isang kasunduan na layong maging unang hakbang tungo sa kapayapaan sa hangganan ng Israel at Lebanon. Gayunman, tinutulan ito ng Hezbollah, na nagsabing maaari nitong maantala ang mas malawak na usapang pangkapayapaan.

Nagbabala rin ang International Atomic Energy Agency (IAEA) na kailangang magkaroon ng mahigpit na sistema ng beripikasyon sa anumang kasunduan sa Iran upang matiyak na hindi ito makagagawa ng sandatang nukleyar. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here