Home NATIONWIDE Pope Leo nakipagkita sa anim na biktiam ng pang-aabuso ng mga pari

Pope Leo nakipagkita sa anim na biktiam ng pang-aabuso ng mga pari

1
0

SPAIN- Nakipagkita si Pope Leo XIV sa anim na biktima ng pang-aabusong sekswal ng mga pari sa Madrid nitong Lunes, Hunyo 8 at nangako siyang isasaalang-alang ang kanilang mga mungkahi para mapabuti ng Simbahan ang pagtugon sa krisis.

Tumagal ng isang oras ang pagtatagpo sa embahada ng Vatican.

Ang isyu ng pang-aabuso at pagtatakip ay matagal na binalewala ng Simbahan sa Spain, pero ngayon lang ito seryosong hinarap matapos ibunyag ng El PaĆ­s at ng ulat ng gobyerno noong 2023 na may daan-daang libong posibleng biktima.

Tinanggihan ito ng mga Obispo at sinabing 728 lang ang nang-abuso mula 1945.

Sa pulong, ikinuwento ng mga nakaligtas ang kanilang karanasan at sinabing kadalasang nagdudulot pa ng trauma ang pagtugon ng Simbahan dahil pinagbibintangan silang humihingi lang ng pera.

Hindi ito ang unang beses na nakinig si Leo sa mga biktima – ginawa na niya ito bilang Obispo sa Peru.

Hinimok din ni Leo ang mga Obispo ng Spain na magbigay ng reparasyon at itaguyod ang pag-iwas sa pang-aabuso.

Kasabay nito, naglunsad ang gobyerno ng Spain ng bagong sistema ng reparasyon para sa mga lumang kaso na hindi na maaaring kasuhan, kung saan katuwang ang Simbahan at ang gobyerno ang magpapasya sa kabayaran. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here