MARAMI ang may pothos plant sa kanilang tahanan dahil madali itong alagaan, maganda sa paningin, at hindi mahal. Maliban dito, may natuklasan ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) sa kanilang pag-aaral na epekto sa kalusugan?
Sa pag-aaral na may pamagat na “Interior Landscape Plants for Indoor Air Pollution Abatement” ng NASA, napatunayang kayang sumipsip ng pothos plant o Epipremnum aureum ng hanggang 73 porsyento ng mga nakalalasong kemikal sa hangin sa loob lamang ng 24 oras o ang tinatawag na volatile organic compounds (VOCs).
Kasama sa mga kemikal na ito ang formaldehyde, benzene, at trichloroethylene – mga sangkap na kadalasang matatagpuan sa pintura, sigarilyo, tela, panlinis, adhesive, at muwebles.
Hindi sila maaamoy o makikita, ngunit dahan-dahan nilang sinisira ang kalusugan. Dito pumapasok ang ganda ng pothos plant dahil hindi lamang ito pampalamig ng mata kundi natural din na panlinis ng hangin.
Bukod pa rito, nakatutulong din ang pothos plant sa pagpapanatili ng tamang humidity sa silid, kaya mas komportable ang pakiramdam.
Sa simpleng pagtatanim ng halamang ito, makaiiwas sa gastusin sa mamahaling air purifier at sa mga karamdaman dulot ng masamang hangin.
Ang pothos plant ay nakilala bilang money plant na nagdadala ng kayamanan at swerte sa bahay at tumutulong sa pagtagumpayan ng mga hadlang sa pananalapi.
Ang mga pothos plant ay kumikilos bilang mga natural na air purifier, habang sinasala nila ang mga lason mula sa hangin.
Ang mga halaman na ito ng swerte ay nangangailangan ng napakakaunting pagpapanatili.
Sa kultura ng Feng Shui, pinaniniwalaan ding simbolo ito ng swerte at kasaganahan.
Kaya kung gusto mong linisin ang iyong espasyo at paliguan ito ng positibong enerhiya, subukan nang mag-alaga ng pothos.
Pero paglilinaw ng pag-aaral, upang makamit ang mabuting epekto sa mga tahanan ay kakailanganin ang daan-daan hanggang libo-libong pothos plant sa bawat metro kuwadrado.






