Home NATIONWIDE Proteksyon ng PH territoriy, mahalaga sa paglago ng ekonomiya – DND

Proteksyon ng PH territoriy, mahalaga sa paglago ng ekonomiya – DND

MANILA, Philippines – Nangako ang Department of National Defense (DND) nitong Huwebes, Mayo 1, na magsisikap ito upang ingatan ang bansa at mga teritoryo nito.

Ang pagsisiguro ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ay kasabay ng paglahok niya sa pagkilala sa kontribusyon at pagsisikap ng mga manggagawang Filipino ngayong Labor Day.

“Ang araw na ito ay pag-alala at pagkilala sa kontribusyon ng ating mga manggagawa tungo sa isang matatag, maunlad, at payapang Pilipinas,” saad sa pahayag ni Teodoro.

Anang DND chief, ang ligtas at maayos na bansa ay magbibigay-daan para sa mga progresibong industriya, pagdami ng infrastructure projects, at socio-economic programs na makatutulong sa pagginhawa ng buhay ng mga Filipino.

Samantala, sinabi rin ni Teodoro na ang DND ay tutulong sa Department of Labor and Employment sa pagsisiguro sa karapatan ng mga manggagawang Filipino.

“Muli, ang Kagawaran ay nakikiisa sa pagpupugay at pagbati sa mga manggagawang Pilipino, na tunay na maipagmamalaki saan mang panig ng mundo,” dagdag niya.

Kaugnay nito, pinuri naman ni AFP chief Gen. Romeo Brawner Jr. ang mga Filipinong manggagawa na tinawag niyang “driving force behind our nation’s strength and resilience.”

“Your dedication, whether in the quiet perseverance of early mornings or in the relentless effort through long days, powers our country’s continued progress,” ani Brawner.

Kabilang umano rito ang mga magsasaka, guro, healthcare professionaols, public servants, skilled workers at overseas Filipino workers.

“You labor not only for your families but for the generations yet to come. In the way you strive and persevere, you embody what it means to work with honor, purpose, and heart,” ani Brawner.

“As you build and sustain the firm foundations of our nation, we, your Armed Forces, remain steadfast in our duty to safeguard the peace and security that allow every Filipino to labor with dignity and pride,” dagdag niya. RNT/JGC