Home NATIONWIDE PSA: Median marriage age ng Pinoy nasa 28-30

PSA: Median marriage age ng Pinoy nasa 28-30

MANILA, Philippines — Lumabas sa pananaliksik na nasa 28 hanggang 30 taong gulang ang median age para sa mga Pilipino para magpakasal, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ipinakita ng data ng PSA na noong 2022, ang median age o ang edad kung saan karamiha ang nagpapakasal ay nasa 28 sa babae at 30 naman para sa lalaki.

Napansin ng statistics bureau na mas mataas ito kaysa sa median na edad ng kasal noong 2021, kung kailan ang mga babae at lalaki ay naging mag-asawa sa edad na 27 at 29, ayon sa pagkakabanggit.

Ang bilang ng mga kasal noong 2022 ay tumaas sa 449,428 mula sa 356,839 noong 2021.

Sa unang taon ng pandemya o noong 2020, ang mga rehistradong kasal ay nasa 240,775, sinabi ng PSA. RNT

Previous articleSquad lider ng NPA arestado
Next article4 suspek sinampahan ng double murder case sa pagpatay sa mag-ina sa Quezon