Home NATIONWIDE Puganteng Korean inaresto sa mismong opisina ng BI

Puganteng Korean inaresto sa mismong opisina ng BI

110
0

MANILA, Philippines – Naaresto mismo sa loob ng headquarters ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean national na wanted sa sarili nitong bansa dahil sa pagtangay ng mahigit USD1 million.

Ang 56-anyos na Korean ay naaresto nitong Huwebes, Setyembre 12 habang ipinoproseso niya ang kanyang pasaporte.

May active warrant of arrest ang dayuhan na inisyu ng Seoul Jungang District Prosecutor’s Office noong 2021 para sa aggravated punishment at economic crimes sa kanyang bansa.

Inilagay ang pangalan nito sa Interpol red notice dahil sa pagtangay ng mahigit USD1 million sa pamamagitan ng loan applications.

Naka-ditene na ang Korean national sa BI facility sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City bago ang nakatakda nitong deportation. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here