Home NATIONWIDE Putin, nagdeklara ng unilateral easter ceasefire sa Ukraine

Putin, nagdeklara ng unilateral easter ceasefire sa Ukraine

Nag-anunsyo si Russian President Vladimir Putin ng unilateral Easter ceasefire mula Sabado 6 p.m. (oras sa Moscow) hanggang Linggo, dahil sa “makataong konsiderasyon.”

Ngunit ayon kay Ukrainian President Zelensky, patuloy ang pag-atake ng drone ng Russia, na tila kabaligtaran ng sinseridad sa tigil-putukan.

Binigyang babala ni Putin ang kanyang hukbo na maging handa sa posibleng paglabag ng Ukraine. Samantala, nagbabala si U.S. President Donald Trump na iiwanan ng Amerika ang peace efforts kung walang malinaw na progreso.

Kinumpirma rin ng Russian Defense Ministry ang tigil-putukan at ang bilateral prisoner swap na may 246 bihag bawat panig, na tinulungan ng UAE. RNT