Malabon City, Philippines — Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon at ng Department of Transportation (DOTr) ang ceremonial ribbon-cutting ng bagong Public Utility Vehicle (PUV) Stops na matatagpuan sa Malabon National High School sa Brgy. Hulong Duhat.
Layunin ng proyektong ito na magbigay ng mas ligtas, mas maginhawa, at accessible na waiting area para sa mga commuter — lalo na ang mga taong may kapansanan, senior citizen, at mga buntis.







