Home NATIONWIDE Bong Go umayuda sa nasunugan sa Parañaque

Bong Go umayuda sa nasunugan sa Parañaque

101
0

Muling umarangkada si Senator Christopher “Bong” Go sa pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang nasusunugan nang respondehan ng kanyang grupo ang mga residente ng Brgy. San Antonio, Parañaque City na nawalan ng tirahan sa sunog noong Martes para sila ay makarekober.

“Noon pa man, pangako ko na kahit saang sulok kayo ng Pilipinas, basta kaya ng aking katawan at panahon, sunog, putok ng bulkan, lindol, bagyo, pupuntahan po namin kayo. Makatulong sa abot ng aming makakaya, makapagbigay ng solusyon sa mga problema, makapag-iwan ng kaunting ngiti sa panahon ng inyong pagdadalamhati,” sabi ni Go.

“Bilang inyong Mr. Malasakit, patuloy lang akong maghahatid ng serbisyong nararapat sa abot ng aking makakaya dahil ‘yan po ang aking bisyo, ang serbisyo,” dagdag niya.

Sinabi ng senador na ngayo’y sumasailalim ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa modernization program na layong mapabuti ang kahandaan at kakayahan nito sa pagtugon sa mga insidenteng may kinalaman sa sunog.

Ang Republic Act No. 11589, mas kilala bilang Bureau of Fire Protection (BFP) Modernization Act of 2021, ay pangunahing iniakda at itinaguyod ni Senator Go sa Senado.

Ang programang modernisasyon ng BFP ay kinabibilangan ng pagkuha ng mga modernong gamit laban sa sunog, pagkuha ng karagdagang mga bumbero, at pagbibigay ng espesyal na pagsasanay at iba pang pagpapahusay.

Sa pagrespode ng “Malasakit Team” ni Senator Go, namahagi sila ng meryenda, grocery packs, water containers, vitamins, caps, shirts, basketballs at volleyballs sa kabuuang 85 benepisyaryo mula sa Barangay 106 na ginanap sa San Antonio Valley 5 Covered Court.

Binigyang-diin ang kahalagahan ng pangmatagalang paghahanda laban sa sakuna, binanggit din ni Go ang bagong batas na RA 12076, o ang Ligtas Pinoy Centers Act.

Nilagdaan noong Disyembre 6, 2024, ang batas na ito ay nag-uutos sa pagtatayo ng permanente, ligtas, at mahusay na mga gamit sa evacuation center sa lahat ng lungsod at munisipalidad sa bansa.

Bilang punong may-akda at co-sponsor ng batas, binigyang-diin ni Senator Go kung paano pangangalagaan ng mga sentrong ito ang dignidad at kagalingan ng mga komunidad na naaapektuhan ng kalamidad habang pinabibilis ang kanilang pagbangon.

Sa kanyang mensahe, hinimok din ni Go ang mga may problema sa kalusugan na lumapit sa Malasakit Centers na matatagpuan sa Ospital ng Parañaque.
Ang Malasakit Center, isang one-stop shop, ay nagbibigay-daan sa mahihirap na pasyente para mabilis na maka-access sa mga programang tulong-medikal.

Si Go ang principal author at sponsor ng RA 11463, o ang Malasakit Centers Act of 2019, na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program. Sa kasalukuyan, 167 Malasakit Centers ang gumagana sa buong bansa para tulungan ang mga pasyente sa kanilang gastusin sa pagpapagamot. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here