Home NATIONWIDE Pwesto ni Diokno opisyal nang inilipat kay Recto

Pwesto ni Diokno opisyal nang inilipat kay Recto

MANILA, Philippines – Opisyal nang inilipat ni dating Finance Secretary Benjamin Diokno ang liderato ng Department of Finance (DOF) kay Secretary Ralph Recto nitong Lunes, Enero 15.

Sa turnover ceremony na ginanap sa DOF office sa Maynila, nagpahayag ng kumpiyansa si Diokno na bihasa si Recto sa tungkulin at maaasahan sa matitinding decision-making, consensus-building at pagiging masipag na kailangan para sa isang Finance chief.

“He has sponsored several key economic and tax reforms that have transformed our economy for the better and reignited the country’s growth potential,” sinabi ni Diokno kay Recto.

Bilang tugon, pinuri ni Recto si Diokno para sa kanyang serbisyo, sabay-sabing ang sumunod sa kanyang yapak ay isang “honor” at “challenge.”

Aniya, nais pa niyang matuto mula kay Diokno.

“I find reassurance in knowing that I am not alone in this journey. I am surrounded by a team of highly talented and competent individuals within the DOF, its attached agencies, and bureaus, all equipped with the necessary skills to navigate the challenges we face today and those that await us in the future,” dagdag pa niya. RNT/JGC

Previous article‘Strong’ El Niño tatagal ‘gang Pebrero – PAGASA
Next article‘Di ako titigil, aabutin ko NBA goal ko – Kai Sotto