Home NATIONWIDE Quiboloy ‘di pa rin sisipot sa Senate probe

Quiboloy ‘di pa rin sisipot sa Senate probe

MANILA, Philippines- Naninindigan si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy na hindi dadalo sa imbestigasyon ng  Senado ukol sa umano’y rape, child abuse at human trafficking cases na ibinabato laban sa kanya, ayon sa kanyang legal counsel nitong Biyernes.

Sinabi ni Melanio Balayan, abogado ni Quiboloy, na naniniwala pa rin ang kanyang kliyenteng “incriminatory” ang Senate hearing.

“We still believe po na yung resolution itself is incriminatory and therefore useless po para kay Pastor Quiboloy na siya ay pumunta sa Senado without sacrificing his fundamental bill of rights,” pahayag ni Balayan.

“Kasi po kagaya ng pauli-ulit na sinasabi namin, yung resolution mismo po ay sinasabi na guilty na po sa mga krimen si Pastor at ito ay patuloy niya na kino-commit,” dagdag niya.

Subalit, kinumpirma ni Balayan na nakapagsumite na ang kampo ni Quiboloy ng kanilang compliance at legal justifications bilang tugon sa show cause na inilabas ng Senado laban sa kanya noong Miyerkules.

Ayon sa abogado, sa kasalukuyan ay hinihintay nnila ang tugon ng Senado sa kanilang apela bago magsagawa ng sunod na hakbang.

Ilang ulit na binalewala ni Quiboloy ang tatlong naunang pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality sa kabila ng imbitasyon. RNT/SA

Previous articlePinas ‘di pasimuno ng gulo sa WPS – PBBM
Next articleMTRCB Chair Lala at Vice, nagkita na, nagbeso pa!