Home ENTERTAINMENT MTRCB Chair Lala at Vice, nagkita na, nagbeso pa!

MTRCB Chair Lala at Vice, nagkita na, nagbeso pa!

Manila, Philippines – Kung matatandaan, last year ay pinatawan ng 14 days suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang programang It’s Showtime dahil sa paglabag sa ethics and conduct ng show.

Mula nu’n hindi pa nagkita nang personal sina Vice Ganda at MTRCB Chair Lala Sotto.

Pero dahil maliit lang ang mundong ginagalawan ng showbiz pipol kaya sinabing siguradong magtatagpo rin ang landas ng dalawa.

Nangyari nga ang hindi inaasahan nang magkita ang dalawa sa isang fashion show na inorganiza ng fashion designer na si Paul Cabral.

Ibinahagi ni MRTCB Chair Lala sa social media account ang nangyaring pagkikita nila nang personal ng main host ng It’s Showtime na si Vice sa unang pagkakataon.

Nangyari nga ang pagkikita ng dalawa sa fashion event ni Paul Cabral sa Laperal Mansion.

Ayon kay Chair Lala, hindi inaasahan ang pagkikita nila ni Vice, pero masaya siya dahil sa wakas ay nagkita rin sila nang personal ng TV host/comedian.

“I was so, so happy to have finally met Vice Ganda. For the first time ko siya nakita in person,” bahagi ng pagkukuwento ni Chair Lala.

“It was the fashion show of Paul Cabral, so nagkita kami ru`n. Nakakatuwa kasi nobody introduced us.

“I just, of course, knew na siya si Vice Ganda. Then, nagkataon lang kasi na napakaraming tao, so magkatapat kami. So ayan, nagkita kami, nagbeso kami…nakakatuwa.

“So happy, finally, nag-meet kami,” masayang sabi pa ni Chair Lala.

Maganda at walang intriga na pwedeng pag-usapan sa pagkikita ng dalawa dahil wala namang negatibong binitiwang salita si Vice laban kay Chair Lala simula nang suspendihin ang kanilang programa dahil diumano sa kalaswaang ginawa ng magka-live-in na TV host at Ion Perez.

“Nakakatuwa. Praise God. I was so happy,” dagdag pa ni Chair Lala.

Eversince naman kahit nasuspinde ng 14 days ang kanilang show ay walang sinabi si Vice laban sa MTRCB, lalo na kay Chair Lala.

Ang hangarin kasi ni Vice ay magbigay ng kasiyahan at hindi para makipaglaban o makipag-away kahit kanino. Gerry Ocampo

Previous articleQuiboloy ‘di pa rin sisipot sa Senate probe
Next articlePagbasa ng sakdal laban sa 2 environmental activist ipinagpaliban ng korte