Home NATIONWIDE Quiboloy not above the law – solon

Quiboloy not above the law – solon

MANILA, Philippines – Hindi pansin ng mga mambabatas ang mga paratang at divertionary tactics na ginagawa ni Kingdom of Jesus Christ (KOLC) Leader Pastor Apollo Quiboloy at tiniyak na ang mga akusasyon laban dito ay kanyang dapat na harapin.

Ayon kay Tingog Partylist Rep. Jude Acidre na kahit pa man appointed son of God ang tingin ni Quiboloy sa kanyang sarili ay hindi ito mas mataas pa sa batas.

“Now I don’t think being an ‘appointed son of God’ puts you above the law and I’m sure no one is above the law. Narinig niyo naman siguro ‘yung sinabi niya, papatulan pa ba natin yun?” pahayag ni Acidre.

Sinabi ni Acidre na umaasa syang dadalo at tatalima sa subpoena si Quiboloy dahil kung hindi ito sisipot ay maari ring ipaaresto.

“the House will implement the law. If he does not appear then we will be constrained to execute the subpoena and make sure that he is here to answer the questions and issues raised against him,” ani Acidre.

Sa ipinalabas na subpoena ng Kamara na pirmado ni House Speaker Martin Romualdez ay pinadadalo si Quiboloy sa pagding sa Marso 12 ng House Committee on Legislative Franchises kaugnay sa hiling na tanggalan ng prangkisa ag SMNI dahil sa pagpapalabas ng fake news.

Aminado si Acidre na bilang isang pastor ay tiyak na nalalaman ni Quiboloy ang kasalukuyang sitwasyon nito kaya naman dapat ay handa din nitong harapin ang mga isyu na ibinabato sa kanya.

“He knows what he is doing. He knows that he is clearly defying the law. He knows he is injuring the political system that we have in place. He is disrespecting the authorities and I think he will be made accountable on that at the right time,” pagtatapos pa ni Acidre. Gail Mendoza

Previous articleKarapatan ng PH sa Sabah, isasama sa Maritime Zones Act
Next article20 bagong gamot vs kanser, diabetes exempted na sa VAT- Angara