KABUGAO, Apayao – Parang pelikula na nagbakbakan na nagpalitan ng putok ang tropa ng 98th Infantry Battalion at mga kasapi ng Ilocos Cordillera Regional Committee (ICRC) sa Sitio Dagui, Barangay Maragat, Kabugao, Apayao.
Ayon sa 5th Infantry Division, may nagsumbong sa tropa ng pamahalaan kaugnay sa presensiya ng armadong grupo sa lugar.
Agad na naglunsad ng opensiba ang militar kung saan, nakasagupa ng 98IB ang mahigit kumulang 20 na kasapi ng grupo.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang mga gamit pandigma ng ICRC kabilang na ang dalawang M16 rifle, isang garand rifle, isang M203 rifle, isang cal 9mm pistol, 22 IED, walong selpon, isang rifle grenade, limang magazine at bala, limang sim card, sampung USB, at apat na SD card, kabilang ang mga personal na kagamitan na may bakas ng mga dugo.
Kaugnay nito ay nagbabala si 5ID Commander MGen. Gulliver L. SeƱires na bilang na ang nalalabing araw ng mga teroristang grupo.
Aniya, sobra-sobra na ang panahon na ibinigay sa teroristang grupo para magbalik-loob sa pamahalaan kaya napapanahon na para sila ay lupigin. REY VELASCO