Home NATIONWIDE Reklamong plunder isinampa vs Surigao solon sa P1.4B proyekto

Reklamong plunder isinampa vs Surigao solon sa P1.4B proyekto

266
0

MANILA, Philippines – Naghain ng reklamong plunder ang grupo ng mga paring Katoliko mula sa Diocese of Tandag at mga pribadong indibidwal sa Office of the Ombudsman laban kay Surigao del Sur 1st District Representative Romeo Momo Sr. sa umano’y paggamit ng opisina nito para makinabang ang construction firm na pagmamay-ari ng pamilya nito at makakuha ng mahigit P1.4 bilyong kontrata sa proyekto ng pamahalaan.

Kabilang sa mga complainant ay sina Reverends Florio Falcon, Arturo Langit, Jose Zafra III, Elvies Petros, Ritchell Espinola at Godofredo Quiazon Jr.; at mga abogado na sina Atty. Alexander Malaque at Mary Helen Zafra.

Sa reklamong inihain nitong Biyernes, Disyembre 12, si Momo ay inakusahan ng patuloy na involvement sa operasyon ng Surigao La Suerte Corporation (SLSC), na paulit-ulit nananalo ng public works contract sa Caraga region sa kabila na iginiit ng mambabatas na nakapag-divest na siya sa kompanya. Anila, bilang miyembro ng pamilya na shareholder pa rin ay lumilikha ito ng conflict of interest sa paggawad ng infrastructure projects.

Sinabi sa reklamo na sa corporate records mula sa Securities and Exchange Commission noong 2019, si Momo at kanyang mga kaanak ay may shares sa SLSC.

Nag-divest lamang umano ang mambabatas matapos ang 2019 at ang asawa, anak at apo nito ay patuloy na lumalabas bilang stockholders sa kabila ng mahigpit na partisipasyon ng kompanya sa mga proyekto ng pamahalaan.

Ayon sa mga complainant, naninindigan sila para sa kapakanan ng transparency at good governance sa Surigao del Sur.

Iginiit naman ni Momo na wala siyang maling ginagawa sa kanyang mga aksyon.

“I would like to make it clear that there is no conflict of interest in my work as Surigao del Sur first district representative,” saad sa pahayag ng solon sa kanyang social media page.

“Such imputation of using public office for personal gain is not true.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here