Home NATIONWIDE Relief goods sa masasapul ni bagyong Tino sa Tacloban, nakahanda na –...

Relief goods sa masasapul ni bagyong Tino sa Tacloban, nakahanda na – Romualdez

306
0

MANILA, Philippines – Nakahanda na ang relief goods sa Tacloban City at pitong bayan sa Leyte bago ang pagdating ng Bagyong Tino sa hatinggabi ng Nobyembre 4, 2025.

Ayon kay Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez, ipinamahagi ang mga ito sa Palo, Tanauan, Tolosa, Sta. Fe, Alang-alang, San Miguel, at Babatngon upang agad na matulungan ang mga pamilya, lalo na ang mga naapektuhan pa ng Super Typhoon Yolanda.

Kasama sa relief goods ang mami, sardinas, biskwit, kape, Energen, at bigas, kung saan 15,000 kilo ng bigas ang naka-preposition para sa agarang pagtulong kung kinakailangan.

Nagbigay din ng mainit na pagkain sa mga evacuees sa Tacloban, at humigit-kumulang 3,000 pagkain ang naipamahagi noong Lunes ng gabi. Magpapatuloy ang pamamahagi upang matiyak na may suporta ang mga apektadong residente habang dumadaan ang bagyo.

“Preparedness remains a top priority to protect vulnerable communities, especially in coastal and low-lying barangays. We want every family to be ready and no one left struggling when bad weather comes,” giit pa ni Romualdez. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here