Home NATIONWIDE Remittances bumaba noong Enero – BSP

Remittances bumaba noong Enero – BSP

MANILA, Philippines – Bumaba ang mga salapi na ipinadadala ng overseas Filipinos noong Enero, matapos ang record-high na naitala sa nagdaang buwan, batay sa datos na inilabas ng
Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Lunes, Marso 17.

Ang cash remittances o money transfers na ginawa sa pamamagitan ng mga banko o formal channels sa nasabing buwan ay nasa $2.918 billion, mas mababa sa $3.380 billion noong Disyembre 2024, ngunit mas mataas sa $2.836 billion noong Enero 2024.

“The growth in cash remittances from the Saudi Arabia, United States, Singapore, and the United Arab Emirates (UAE) mainly contributed to the increase in remittances in January 2025,” pahayag ng BSP.

Pinakamalaki ay nagmula sa Estados Unidos sa 41.2% ng cash remittances na sinundan ng Singapore sa 7.5%, Saudi Arabia sa 6.6%, Japan sa 5.7%, at United Kingdom sa 4.7%.

Sinundan naman ito ng UAE sa 3.5%, Canada sa 3.1%, Taiwan at Qatar sa 2.8%, at Malaysia sa 2.4%.

Sinabi naman ng BSP na ang mga pera-padala na isinagawa sa pamamagitan ng money couriers ay hindi maisasama sa listahan ng mga aktwal na country source dahil ang mga ito ay naililista sa ilalim ng bansa kung saan matatagpuan ang mga main office nito.

Samantala, ang personal remittances — o mga padala na isinagawa sa pamamagitan ng cash o in-kind sa pamamagitan ng informal channels ay naitala sa $3.243 billion, mas mababa sa
$3.733 billion noong Disyembre ngunit mas mataas sa $3.163 billion noong Enero 2024. RNT/JGC