Home NATIONWIDE Remulla: Trillion Peso March sa Metro Manila, ‘generally peaceful’

Remulla: Trillion Peso March sa Metro Manila, ‘generally peaceful’

280
0

MANILA, Philippines – Inilarawan ni Interior Secretary Jonvic Remulla noong Linggo ang mga protesta sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila bilang “peaceful.”

Libu-libong Pilipino ang nagtipon sa People Power Monument sa Quezon City para sa Trillion Peso March, habang may mga nagprotesta rin sa Rizal Park at Recto Avenue sa Maynila, na nananawagan ng pananagutan sa umano’y katiwalian sa mga proyekto ng gobyerno sa flood control. Ang mga kilos-protesta ay kahalintulad ng mga anti-korupsyon na ginawa noong Setyembre 21.

“Peaceful naman. We observed everyone’s right to be heard. Generally peaceful naman,” ani Remulla.

Personal din siyang nagpunta sa Recto Avenue upang samahan ang mga pulis na naka-deploy sa lugar. Nagbigay din siya ng mensahe sa mga nagprotesta: “Peace to all mankind.”

Pinabulaanan niya ang alegasyon na sobra ang security deployment, lalo na sa Mendiola malapit sa Malacañang, kung saan hindi pinayagang lumapit pa ang mga demonstrador. Ani Remulla: “No such thing as overreaction. There is only such thing as under reaction. Overreaction kung nagkakasakitan.”

Iginiit din niya na hindi siya nasaktan sa panawagang magbitiw siya at si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.:
“I can take it. I don’t have an ego to protect. Okay lang sa akin ‘yon… Everyone has the right to be heard. I may not agree with them but they have the right to be heard.”

Tinatayang 30,000 hanggang 55,000 ang dumalo sa Trillion Peso March ayon sa organizers, habang mas mababa ang estimate ng pulisya na nasa 5,000 lamang base sa drone footage. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here