Home METRO Residential area sa QC nagliyab

Residential area sa QC nagliyab

MANILA, Philippines- Nawalan ng tahanan ang nasa 140 pamilya sa Barangay Pag-asa sa Quezon matapos sumiklab ang sunog na umabot sa third alarm sa tapat lamang ng national headquarters ng Bureau of Fire Protection (BFP) nitong Linggo ng hapon.

Naiulat ang sunog ng alas-2 ng hapon nitong Linggo, at kumalat sa residential area sa kabila ng pag-ulan. Dahil dito, lumikas ang mga residente, at tumulong sa pagresponde sa sunog sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga balde ng tubig.

“Nakatulong rin po ‘yung barangay mismo. Nagtulong tulong silang mag-bucket relay,” pahayag ni BFP Quezon City District Operations chief CINsp. Marvin Mari base sa ulat nitong Linggo.

Pansamantalang isinara ang bahagi ng North Avenue. Makalipas ang isang oras ay natupok na ang sunog. Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa insidente. RNT/SA