Home TOP STORIES Resolusyon para kilalanin tagumpay ng SB19, inihain sa Kamara

Resolusyon para kilalanin tagumpay ng SB19, inihain sa Kamara

33
0

MANILA, Philippines – Naghain ng resolusyon si Negros Occidental 3rd District Rep. Javier Miguel L. Benitez upang bigyang-pagkilala ang Pinoy pop supergroup na SB19.

Kasunod ito ng pagkatalaga ng Department of Tourism (DOT) sa SB19 bilang tourism ambassadors at ng kanilang makasaysayang pagtatanghal sa Lollapalooza 2026 at sa isang Major League Baseball game.

Kasama ni Benitez sa paghahain ng House Resolution No. 1280 sina Reps. Nelson Legacion, Sarah Jane Elago, at Kathryn Joyce Gorriceta.

Itinalaga ng DOT ang SB19 bilang pinakabagong tourism ambassadors noong Hulyo 26, kasunod ng kanilang pagkakahirang noong 2021 bilang Youth and Sentro Rizal Ambassadors ng National Commission for Culture and the Arts.

Noong Hulyo 29, isinagawa ni Josh Cullen ang ceremonial first pitch sa laro ng Chicago White Sox kontra New York Yankees, isang kauna-unahang pagkakataon para sa isang P-pop group sa isang regular na game night.

Kinabukasan, naging kauna-unahang homegrown Filipino act naman sina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin na nagtanghal sa Lollapalooza.

Naghandog ang grupo ng 10 awitin sa Allianz Stage sa Grant Park, kabilang ang “DAM,” “GENTO,” at “MAPA.”

Binigyang-diin din sa resolusyon na ang kasuotan ng grupo sa kanilang pagtatanghal ay hango sa iba’t ibang elementong Pilipino, kabilang ang mga disenyo mula sa “Gold of Ancestors” collection ng Ayala Museum, Ifugao brass pendants, at mga katutubong embroidery pattern.

“When our artists carry the country with them, they open doors no amount of promotion can buy. SB19 made room for the next Filipino act that follows. The work now is making sure the industries behind them, from music to tourism, are ready for the attention,” pahayag ni Benitez.

Nakapaloob din sa resolusyon ang kahilingang padalhan ng mga kopya nito ang mga miyembro ng SB19. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here