MANILA, Philippines – Inilabas ng Civil Service Commission nitong Mayo 5 ang resulta ng March 2026 Career Service Examination (Pen and Paper Test) at kinilala ang mga top performers sa professional at subprofessional levels.
Sa professional level, nanguna si Jannah Arumpac Masbud na may rating na 98.60. Sa subprofessional level naman, si Ernesto Gabriel Valderrama Serrano ang topnotcher na may 95.49.
Kailangan ng hindi bababa sa 80% na rating para makapasa sa pagsusulit.
Kabilang sa Top 10 sa professional level sina Jholene Ylysa Ladores Salimbot (97.77), Lemuel Espiritu Samson (97.64), Tyrone Robert Cruzata Garcia (97.53), Jeorge Antoinette Cabusao Marucot (97.52), Laurence Anthony Navarro Mallari (97.38), Alexander Clinton Liu Españo (97.25), Therese Jan Esman Mangussad (97.25), Patrick Jeanne Josef Tiongson (97.23), at Jenelyn Ann Festejo Carpio (97.09).
Sa subprofessional level, pumangalawa si Justine Raine Valencia David (95.31), sinundan nina Carlo Miguel Nery Cerrada (95.20), Janette Alexandra Falcatan Toribio (95.16), Carlo Aragon Marientes (95.08), Gladys Ubalde Quitain (95.06), Christian Villarin Dela Peña (95.00), Lauren Anne Charmagne Lara De La Cruz (94.94), Sophia Yvonne Simbol Baniago (94.77), at MJ Cruz Centeno (94.76).
Ayon sa CSC, makikita ang buong listahan ng pumasa sa kanilang website at examination portal.
Ang mga pumasa sa professional level ay makakakuha ng Career Service Professional Eligibility para sa permanenteng posisyon sa gobyerno, habang ang subprofessional passers ay kwalipikado sa first-level positions.
Maaari ring kunin ng mga pumasa ang kanilang Certificate of Eligibility sa CSC offices o sa pamamagitan ng special paper na may kaukulang bayad.
Ipinapaalala rin ng CSC na dapat pa ring matugunan ng mga aplikante ang iba pang qualification standards tulad ng edukasyon, karanasan, at training para sa mga posisyon sa gobyerno. RNT/MND