Home ENTERTAINMENT Richard, may alagang mga manok, di na kumakain ng chicken!

Richard, may alagang mga manok, di na kumakain ng chicken!

Manila, Philippines – Itsura ng acquaintance party ang ginagawang pagtitipun-tipon ni Richard Gomez ng kanilang mga alagang hayop ni Lucy Torres sa bahay.

Pag may bagong saltang hayop, the actor-politician makes sure na magbe-blend in siya with the rest of the pet animals.

Ani Lucy, mistulang general assembly ‘yon which her husband presides for them to get acquainted with each other and eventually become friends.

Ikinuwento ni Lucy nang may dumagdag daw na dalawang maliliit na aso which they named Amihan and Habagat.

Galit daw si Xander, ‘yung bigger dog.

What Richard did, pinagharap niya ang tatlo at maayos na ang pakikitungo nila sa isa’t isa.

Hindi lang mga aso ang alaga ng mag-asawa.

Nagsimula raw ‘yon sa dalawang pagong.

Nadagdagan ng gansa, followed by a turkey na kaibigan na rin ng mga gansa dahil feeling goose daw ito.

Sobra ring dami ng kanilang mga manok.

Although these chickens bear no names, naging malapit daw si Lucy sa mga ‘yon noong pandemic.

Chickens are, in fact, found everywhere in their home.

Labas-masok lang daw ang mga ito.

Binanggit pa ni Lucy na may designated basket sila para sa mga inahen sa tuwing nangingitlog.

Naging “friends” daw sila ng mga manok to the point that she and Richard don’t eat chicken.

Kahit daw mga itlog nito’y hindi nila kinakain.

Ang cute lang malaman na hanggang sa kanilang bahay, may “parliamentary touch” pa rin with Richard gathering them around to forge peace and camaraderie.

0, ‘di ba, “hayop” sa dating? Ronnie Carrasco III