ABRA, Philippines – Pinahayag ng Department of Agriculture (DA) sa rehiyon ng Cordillera na nakatanggap sila ng mobile soil testing laboratory mula sa national government upang suportahan ang mga lokal na magsasaka sa paggamit ng pataba at pagpapabuti ng ani ng pananim.
Kinumpirma ni DA-Cordillera Director Jennilyn Dawayan nitong Miyerkules, Hulyo 2 na ang rehiyon ay isa sa mga nakatanggap ng 16 Mobile Soil Laboratory (MSL), isang 10-wheeler truck na kumpleto sa gamit na may kakayahang magsuri ng 44 parameter ng lupa at tubig.
Ang lab ay iikot sa mga munisipalidad sa rehiyon, magsasagawa ng on-site na pagsusuri sa lupa at agad na magbibigay ng mga rekomendasyon sa pataba sa mga magsasaka, nang walang bayad.
Paliwanag ni Dawayan na importante ang soil testing sa pagsasaka dahil naaasses nito ang kondisyon ng lupa at nagagawa nitong magrekomenda ng naaayong pataba na kailangan ng pananim upang mapanatili mataba ang lupa.
“Through this, farmers can avoid spending on fertilizer that is not necessary. If they are guided, they can introduce the proper fertilizer needed so that they can have better produce,” sabi ni Dawayan. RNT/MND