Home METRO Rider tigok sa salpok sa puno sa Rizal

Rider tigok sa salpok sa puno sa Rizal

1
0

RIZAL — Patay ang isang motorsiklista matapos bumangga sa isang punong nakaharang sa bahagi ng kalsada sa Angono, Rizal.

Batay sa CCTV footage, binabagtas ng rider ang kanang lane ng kalsada kung saan nakapuwesto rin ang naturang puno nang maganap ang insidente.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima sa kalsada at natanggal ang kanyang helmet. Nagtamo siya ng matinding pinsala sa ulo.

Agad na isinugod sa ospital ang rider ngunit idineklara itong dead on arrival.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang lokal na pulisya kaugnay ng insidente. Patuloy ding kinukuha ng mga mamamahayag ang panig ng barangay hinggil sa pagkakaharang ng puno sa kalsada. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here