Home NATIONWIDE Ridge ng HPA nakakaapekto pa rin sa Northern Luzon

Ridge ng HPA nakakaapekto pa rin sa Northern Luzon

109
0

MANILA, Philippines – Patuloy na nakakaapekto sa bansa, ang extension ng ridge ng High Pressure Area sa Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorm dahil sa localized thunderstorm.

Samantala, ang Typhoon Sinlaku ay huling namataan 2,485 kilometro silangan ng extreme Northern Luzon at walang epekto sa bansa.

May taglay itong lakas ng hangin na 140 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 170 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong north northeastward sa bilis na 15 kilometro kada oras. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here