Home HOME BANNER STORY Zaldy Co nahuli na, didiretso sa kulungan

Zaldy Co nahuli na, didiretso sa kulungan

149
0

MANILA, Philippines – Iniulat mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nahuli na si dating Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co sa Czech Republic.

Sinabi naman ni Palace Press Secretary Claire Castro na tumawid umano si Co sa nasabing bansa mula sa isang bansa nang walang kaukulang dokumento at hinuli siya dahil dito.

Nakadetine na umano si Co sa Prague, kapital ng nasabing bansa, at inaasahang ididiretso ito sa kulungan na matagal nang inihanda para sa lahat ng sangkot sa flood control scandal.

Inaayos na umano ang lahat ng ligal na proseso upang maibalik sa bansa si Co sa pinakamadaling panahon.

Matatandaang dating pinaniniwalaang nasa Portugal si Co at doon nagtago at bahagi ito ng kautusan umano ni dating Speaker Martin Romualdez na lumabas ng Pilipinas upang mapigilan itong magsalita ukol sa multi-bilyong anomalya sa flood control na umabot sa mahigit P1 trilyon sa nakaraang tatlong taong administrasyon ni Marcos.

Makaraan itong magtago at nagsabing bago man siya mapatay, katulad ng banta umano ni Romualdez kung magsasalita siya at babalik, naglabas ito ng mga pahayag na isinasangkot si Romualdez sa bilyon-bilyong anomalya.

Pinalabas din nitong nagkaroon mismo si Pang. Marcos ng sariling P100 bilyong insertion sa pambansang badyet at nakakikbak ito ng nasa P20 bilyon.

Isinangkot din ni Co si First Lady Liza Araneta-Marcos at isang kapatid nito sa ismagling sa sibuyas, bigas at asukal, kasama ang pagmamanipula sa presyo sa mga ito para magkamal na malalaking kita.

Makaraang mabunyag ang mga anomalya sa flood control projects, kinasuhan ito ng mga kasong plunder sa Department of Justice at Office of the Ombudsman at nag-isyu na ang Sandiganbayan ng mandamiento de aresto laban sa kanya.

Kabilang sa mga nagtestigo laban sa kanya si dating Department of Public Works and Highways Undersecretary Roberto Bernardo at iba pang ilang opisyal ng DPWH.

Male-maleta umanong salaping kikbak ang tinanggap nito ngunit ikinatwiran nitong lahat ng natanggap niyang salapi ay walang napunta sa kanyang bulsa kundi kina Romualdez at Pang. Marcos lamang. FRED CABALBAG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here