Home NATIONWIDE Risa sa epal na pulitiko: Pagluluksa ng pamilya ni Baterbonia, Adili, irespeto

Risa sa epal na pulitiko: Pagluluksa ng pamilya ni Baterbonia, Adili, irespeto

1
0

MANILA, Philippines – Tila lantarang pinuna ni Risa Hontiveros ang ilang pulitikong nagpupunta sa burol nina Rene Baterbonia at Divine Adili na tila ginagamit ang sitwasyon upang sumikat sa sektor ng mga manlalaro.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na, “Napakasakit ng nangyari kina Rene Baterbonia at Divine Adili. Taos-puso akong nakikiramay sa kanilang mga pamilya, teammates, at buong Atenean community.”

“Walang salitang sapat para punan ang ganitong pagkawala,” ayon kay Hontiveros.

Aniya, bilang isang biyuda, minsan na rin siyang nagpaalam nang masyadong maaga sa isang mahal sa buhay.

“Kaya alam kong hindi sapat ang pakikiramay. Sa mga pamilya nina Rene at Divine, bukas ang aking opisina at handa kaming tumulong sa anumang paraang maaari,” aniya.

Kasabay nito, iginiit ng senadora na sana ay igalang natin ang alaala nina Rene at Divine, pati na rin ang dignidad at privacy ng kanilang mga pamilya habang sila ay nagluluksa.

“Habang nagpapatuloy ang mga imbestigasyon, umaasa akong mailalabas ang buong katotohanan tungkol sa mga pangyayaring humantong sa trahedyang ito. Kung may kapabayaan at kakulangan, dapat may managot,” giit ni Hontiveros.

“Utang natin kina Rene at Divine ang katotohanan,” pagtatapos ng senadora.

Kamakailan, nagtungo sina Robin Padilla at Bam Aquino sa burol ni Baterbonia at kapwa naghain ng resolusyon upang imbestigahan ang insidente.

Ngunit hindi nagpakuha ng litrato o nagsalita si Aquino, taliwas sa ginawa ni Padilla na nagpakuha ng litrato sa harap ng kabaong ni Rene, na nakangiti pa, at ikinuwento ang resolusyon na kanyang inihain. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here