Home ENTERTAINMENT Rochelle, ayaw nang magsalita sa isyu sa Sexbomb!

Rochelle, ayaw nang magsalita sa isyu sa Sexbomb!

1
0

Manila, Philippines – “‘Yun na ‘yon!”

Ganito kaikli at kadiretso ang sagot ni Rochelle Pangilinan nang hingan ng further comment tungkol sa isyu involving her group Sex Bomb Dancers.

Aniya, nasagot na daw ang lahat sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda.

“Ayoko nang dugtungan pa kung anu-anong salita. Clear na ‘yon,” giit ni Rochelle.

Inaasahan na lang niya na maging okey ang lahat ng mga Sex Bomb Girls: “Tulad nga ng sabi ko, kami ay pamilya. Magkakapatid kami.”

Partikular kasing itinuturo si Jopay Paguia bilang kaaliton ni Rochelle.

But as far as Rochelle is concerned, normal lang naman daw sa kahit anong relasyon na magkaroon ng ‘di pagkakaunawaan minsan.

Speaking of Jopay, is Rochelle willing to go out of her way to reach out to her?

“Hindi lang siya. Marami. Marami kaming dapat ayusin…general ‘yung sinasabi ko, hindi lang sa isang side,” saad niya.

There’s no such thing din daw as Team Rochelle at Team Jopay: “Wala namang ganyan. Walang ganyan simula noon.”

Mga tao lang daw ang nag-iisip na may mga faction within the group.

Ang kay Rochelle, to be able to lead a group ay dapat matatag ka.

Dahil hindi nga naman madali ‘yon kung kaya’t malaking challenge ito sa kanya: “Kasabay ng pag-lead, ang natutunan ko, dapat tagasunod

ka din…hindi ka lang basta nagli-lead.”

Kunsabagay, a good leader is also a good follower.

End of argument. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here