Home HOME BANNER STORY Rodrigo Duterte lumapag sa Dubai sa layover

Rodrigo Duterte lumapag sa Dubai sa layover

MANILA, Philippines – Lumapag na sa Dubai para sa layover ang eroplano lulan si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos silbihan ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague.

Ayon sa datos, dumating na sa Al Maktoum International Airport, 8:03 ng umaga oras sa Manila, ang Gulfstream G550 aircraft (RP-C5219).

Umalis ang eroplano sa Villamor Air Base sa Pasay City nitong Martes, Marso 11, ng 11:03 ng gabi.

Inanunsyo naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na si Duterte ay dadalhin sa The Hague sa Netherlands para doon niya harapin ang mga reklamo na may kinalaman sa pagpatay sa war on drugs ng kanyang administrasyon.

“The plane is en route to The Hague in the Netherlands allowing the former president to face charges of crimes against humanity in relation to his bloody war on drugs,” ayon sa Pangulo. RNT/JGC